Saturday, May 19

Uy, Globe, ano ba!


An'problema mo, ha? Nananahimik lang ako rito tapos biglang, boom, may iToolbar ka nang nalalaman.

Sabi sa website nila:
We have introduced this functionality to make your Mobile Internet experience much more convenient. You can now enjoy quick and easy access to your favorite Globe and Internet services.
ANO? Convenient? Sure ka? Eto pa.
Yes, the toolbar is a permanent feature and is part of our initiatives to improve Mobile Internet customer experience.
Oha, hindi na raw 'yan mawawala. Good luck nalang.

Okay, ganito:

1. Ang bagal bagal na nga ng 3G niyo, pipilitin niyo pa akong i-load yan every time magi-Internet ako?

2. Ang corny pa ng design. Tapos ang bagal pa niya! Tapos pag ni-click mo yung minimize button (sa kanang dulo ng toolbar), mawawala nga siya, pero may palutang-lutang naman na maximize button. Tapos pag ni-scroll mo yung page, mawawala yung button tapos babalik. Ano kaya yun?

3. Okay lang naman sana 'to eh. Kaso ginawa nyo pang compulsory. As in, "Pwede ko bang tanggalin to?" "Nope." Ganun? GANUN? Wala akong choice? Coercion ang mode? Para niyong ni-rape ang Mobile Safari ko. Kaharass!

4. Bakit may Search function? Wala bang ganun ang browser ko? Haggs.

5. Honestly, hindi ko alam kung ano sa tingin niyo ang magagawa nitong iToolbar na to. Wala lang talaga kayong magawa? Baka naman pwede nyo munang ayusin ang network niyo bago kayo gumawa ng kung anu-anong intrusive software. Yung tipong, hindi ko na kakailanganing i-On at Off ang Airplane Mode sa phone ko kada kinse minutos para hindi mawala ang 3G connection ko. Tapos hindi yung, pag may tinawagan ako, ang maririnig ko eh ang sarili kong boses. Pwedeng yun muna problemahin niyo? Pwede? Suggestion lang naman.

No comments:

Post a Comment