Friday, May 18
P0.25: the cost of a life lesson from the Universe.
Nakahulog ako ng piso kanina sa gitna ng kalsada papuntang LRT. Sisipain ko sana papunta sa gilid kasi ayokong pulutin sa gitna. Mamaya, masagasaan pa ako diba. Kaso nahulog siya sa maliit na butas sa semento, so hindi ko masipa. Kako, wag ko nalang pulutin, piso lang naman yun.
Six hours later, nasa FX ako pauwi. Binilang ko na ang natitirang pera ko bago ako sumakay. May P50 ako sa wallet, P30 in coins sa bulsa ko, tapos ang alam ko may konting barya ako sa bag. So naisip ko, bibili nalang ako ng Yangchow sa Chowking, bale P79 yun, so sa pisong natitira plus yung barya sa bag ko, sapat na yun para sa pamasahe sa jeep.
Edi pagkababa ko ng FX dumiretso na akong Chowking. Habang hinihintay ang order ko, naghanap na ako ng barya para sa pamasahe sa jeep. Sakto, may P7 akong nakita sa bag. Piso nalang, solb na.
Chineck ko yung ibang bulsa. May nakita pa akong tatlong 25-centavo coins. Achib. P0.25 nalang.
Wala na. Hinalughog ko ulit ang bag ko, wala na talaga. Haggard lang, diba. P0.25 nalang. Nakakainis. Hinalughog ko ulit ang bag ko. Baka kako nagjojoke lang ang Universe. Wala talaga. Badtrip.
Ayun tuloy, napa-withdraw ako sa ATM ko. Bukas pa naman din sana ako kukuha ulit ng pera. Ang sarap kasi ng feeling na mapagkasya mo ang natitira mong pera, diba. Pero, ayun, dahil kulang ako ng P0.25, nagwithdraw nalang ako. (Ayoko din naman kasing bigyan ng kulang na pamasahe si Manong Driver. Kahit P0.25 lang yun, respeto ko nalang sa kanya, diba?)
Edi punta ako sa malapit na ATM para mag-withdraw. Nawala sa isip ko na tipong P1,000 at P500 bills pala ang niluluwa ng ATM. Boom. Ayoko ring bigyan ng malaking bill si Manong Driver, baka wala siyang panukli, nakakahiya naman. Pumunta pa ako sa Mercury Drug para bumili ng onting snacks at nang mabaryahan ang buo ko.
Tapos ang haba pa ng pila.
Edi sana kung pinulot ko nalang yung piso kaninang umaga (kasi wala namang paparating na kotse nun), wala akong problema, diba? Haggard talaga. Sa susunod, hindi na ako mang-iiwan ng piso. Salamat nalang sa Universe para sa life lesson!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I had one of them days too!
ReplyDelete